Wednesday, April 29, 2009

Tago: Lady Kongresista, feeling usherette

Sa sobrang tindi ng ambisyong maging Senadora, kahit ang pag-a-usherette sa Kamara, kinakarir na niya.

Sa paglalagalag ng ating Chikadora, napag-alaman nitong isa palang Kongresista ang ‘tila on the go na ang election machinery matapos i-announce na tatakbo siya sa pagka-senador ngayong 2010.

Ang unang moda niya, hindi na siya maawat sa pagpapamudmod ng press releases sa media. Manawa-nawa na nga ang mediamen dahil halos wala na itong ginawa kundi ang maglabas ng press releases na naglalaman ng kanyang komento sa kung anik-anik na isyu sa bansa ngayon.

Dagdag pa ni Chikadora, napapadalas din daw ang kanyang rampa sa media center ng Kamara. Kung saan feel na feel niya ang pakikipag-kiskisang siko niya sa mga taong maaring maging susi ng super exposure na kinakailangan niya.

Pero kinikilabutan na ang mga taga-media sa pangangarir niya. Dahil umaabot na raw ito sa pagpapadala ng meryenda at maging noong birthday niya, super-celebrate siya with the media. Dahil obvious namang nanliligaw siya for free publicity kung araw-araw siyang magpapakain at magse-celebrate ng birthday, kung minsan, eh, nagpapatawag ito ng press con para maging laman ng diyaryo, radyo at tv ang pangalan niya.

Pero ito ang matindi sa lahat ng matindi, sa sobrang gusto niyang bumango ang namesung niya, maging ang pag-a-usherette sa Kamara, pinasok na niya.

Para raw itong Matriarch of the House na naka-puwesto sa labas ng Plenaryo habang wini-welcome ang mga bisita ng Kongreso. Wala namang masamang i-welcome sila, ang kuwistyunable lang, nagsisimula na ang sesyon, nasa labas pa rin siya!

Wow!! May ganun?! Ikaw na ang magaling rumampa na kung minsan, eh, kung minsan ay nag-aambisyon ring maging makata.


Source: PINOY Parazzi

Monday, April 27, 2009

Sexy starlet, todo-deny sa tsuktakan nila ng sikat na personality!

ASUS, NAGDENAY PA ang sexy starlet na may nangyayaring tsugihan sa kanila ng isang sikat na personalidad. Eh, juice ko, mismong siya ang nagkukuwento sa mga friends niya na sa ibinibigay sa kanya ng sikat na personalidad, kahit hindi na siya mag-artista, keri lang.

Tapos, sa mga interbyu niya, ang press release niya ay walang nangyayari sa kanila. Nagkasama lang sila sa isang pelikula noon. At kabiruan lang daw niya si sikat na personality.
Gano’n?

Eh, kung gano’n, ‘wag siyang nagkukukuwento kung kani-kanino kung gaano kabango sa kama ang sikat na personality.

Gusto ba niya, marinig din sa sikat na personalidad na nagkukuwento ito na alon-alon na sa kamot ang kanyang tiyan at puwet?

Dahil larawan siya ng isang babaeng kiss-and-tell, manigas siya, ‘no!


Source: Ogie Diaz (PINOY Parazzi)

Friday, April 24, 2009

Baguhang aktor kawawa sa sikat na aktres

HINDI NGA RAW masaya ang isang sikat na aktres na ipareha siya sa isang nameless actor na wala pang napapatunayan.

Pero dahil wala rin namang magandang project for her, tinanggap na lang niya ito. Kilala ring bratinella si sikat na aktres. Na mahilig itong mag-trip sa mga mas mababang aktor sa kanya at pahirapan ang mga ito mula sa iskedyul at ultimo pagpapa-primadona sa set. Good luck na nga lang daw ang wish ng lahat nang malaman nilang ito ang makakatrabaho ng baguhang aktor.

Hindi precious ang project na sinasabi ng aktor dahil dusa raw tiyak ang mararanasan niya sa sikat na aktres.

Source: Ambet Nabus (PINOY Parazzi)

Thursday, April 23, 2009

Young actress na vegan, tumataba

Super proud si young actress na produkto ng reality show ang pagiging vegan niya. Ibig sabihan, de-hins siya lumalafang ng meat - mapa-baboy o baka pa yan. Pero, ang tanong, bakit nga ba siya lumalaki? Well, namataan daw itong si young actress na dinaluhong ang isang katerbang veggie tempura at sandamakmak na kanin kasama ang bf niyang may katabaan rin. Basta, mas marami pa sa kalahati ng inorder ang nilantakang kanin ng young actress. Kaya naman pala!

Source: PINOY Parazzi

Wednesday, April 22, 2009

Young actor, batik-batik ang nota!

NABUBUWISIT ANG YOUNG actor kapag umiihi siya. Ba’t naman? Eh, kasi, pag nasa-sight niya ang notes niya ay naaalala niya ‘yung huling “fu–king buddy” na nakatalamitam sa kanya.O, ngayon, ba’t naaalala niya sa notes niya?

Eh, ganito kasi ‘yon. Kasalanan din naman ng young actor, dahil nahirapan pa siya bago makumbinsi ‘yung girl na makatsuktsakan niya. Ayaw ng girl, kasi nga, “meron” siya. As in may period siya.

Eh, siyempre, very uncomfortable nga naman ‘yung feeling no’n, ‘di ba? Parang ‘yung puto, isinawsaw mo sa dinuguan, gano’n ang dating. Eh, makulit at mapilit ang young actor, kaya ang ending, bumigay rin ‘yung girl kahit may “reglamation” ang “area” na ‘yon.

Ang siste, sa sobrang pagod ng young actor, nakatulog sila pareho nu’ng girl pagkatapos ng boxing. Paggising, naligo ang young actor para matanggal ang lagkit sa katawan.

Ang ending, nalokah ang young actor, hindi na matanggal sa “notes” niya ang nangitim na dugo roon. Kaya ayun, everytime daw maiihi ito, eh, nasa-sight niya ang notes niyang may “batik-batik” as in feeling niya, ‘yung alaga niyang “tuta” ay “dalmatian” na. Hahaha!

Ang clue? Ang first syllable ng kanyang apelyido ay tawag ng mga sosyal sa kanyang mga friends.

Source: Ogie Diaz (PINOY Parazzi)