Sunday, May 24, 2009

Famous demure actress, also has sex candal with Hayden Kho?

SPEAKING OF DR. Hayden Kho, mahulaan n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Given na ang lalaki dahil talagang ‘Hayden Kho’ ito. Pero ang aking pahuhulaan sa inyo ay naku, I’m sure, mawiwindang kayo!

Galing ito sa pinagkakatiwalaang source, at hindi basta-basta, huh! Dahil isa itong kilalang source mula sa isang bigating istasyon, huh! Pero siya, hindi niya kayang ibulgar ang aking pahuhulaan sa inyo.

Alam n’yo kung bakit? Dahil itong si kilalang aktres, akala n’yo ay mala-anghel, lalo na ‘pag kumilos, kumanta at sumayaw. Siguro, nasa kanya na’ang lahat - pera, kasikatan, at kilalang-kilala talaga siya - maging kapangyarihan, meron din siya. Kaya super kilalang-kilala ang aktres na ito. Pati pamilya nito ay kilalang-kilala. Naku, ha?! Nawindang na ako.

Pero walang takot kong ibabahagi ito sa inyo, ha? Kahit maganda pa siya. Hahaha! Iniidolo rin siya ng mga kabataan. Bonggacious ang babaeng ito, ha?!

Ngunit kung iyon ang akala ng lahat, nagkakamali tayo. Dahil mala-putik din pala ito. Ang chika nga sa akin ng aking source, sa tindi ng sampal ng nanay nito dahil sa nakarating na may ’sex video’rin pala ang aktres at si Hayden, halos mahimatay ito. Nakakaloka, ha?! Kahit sino’ng nanay, ‘di ba?

Ngunit sa tindi ng sampal, at lakas, ayun kaagad na isinugod sa ospital ang nanay nito. Naku, ha? Ngayon, hinahanap na ang ‘video’ para ‘di kumalat, dahil talagang malaking kahihiyan ang aabutin ng pamilya nito, huh! Makati pa sa gabi ang actress na ito. Hay!

Source: Tita Swarding (PINOY Parazzi)

Tuesday, May 19, 2009

2 malaking tsismis sangkot ang mga malalaking artista, aalingasaw na!

DALAWANG MALALAKING TSIMIS ang puputok sa linggong ito. Masarap sanang pagpiyestahan dahil sangkot ay malalaki at sikat na sikat na personalidad, kaya lang, bago mag-react ang ating readers, limiin at pakaisipin natin kung posibleng totoo ito o kathang isip lang para may mapag-usapan.

Mga nurses sa isang hospital daw ang source ng tsismis na ito. Dumalaw daw sa hospital ang isang action superstar sa natsismis nitong kalukadidang na isang aktres (na dalagang ina).

Hindi matapos-tapos ang tsismax na ito. Ilang beses ng idini-deny both ng action superstar at dalagang ina ang mainit na balita. For the first time, may ebidensiya na raw. Hindi lang matiyak ng aming source kung ang mismong nurse na nagbalita sa kanya ang nakakita. Lagi kasing may nakakakita, pero lagi-laging hindi ang mismong nurse ang siyang nakakita.

Ang tanong, ganoon ba kabobo ang action superstar na magpe-personal appearance sa hospital for everybody to see? Puwede naman niyang ipadala kung may sustento mang tinatanggap mula sa kanya ang dalagang ina. Sa tagal ng balita, lalong posibleng nagkausap na sila kung paano makarating ang sustento o ano mang gusto niyang ipadala.

Matalino po ang action star. Hindi po siya ganu’n ka-bobo. At ang nabanggit na pangyayari, is simply NOT HIS STYLE.

Tulad din ng balita tungkol sa isang pagkaganda-gandang host. Nagpapunta daw ito sa condo ng isang matinee idol at nakikipagkangkangan doon. Kinabukasan, nang maglinis ang katulong, sangkatutak daw na condom ang nakita sa makasalanang lugar. How ridiculous din. Puwede ba iyon, sangkatutak na condom? Again, hindi mismong katulong ang nagbabalita nito. Walang maiturong source.

Again I know this beautiful actress-host. It is simply not her style either. Kaya nga, natawa na lang kami nang pinadalhan kami ng tsismax na ito.


Source: Chit Ramos ( PINOY Parazzi)

Monday, May 18, 2009

SIKAT NA YOUNG ACTOR, KA-JAMMING ANG SEXY ACTRESS SA PAGDO-DROGA?!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo! Hindi n’yo kasi aakalain na magagawa ito ng guwapo at tinitingalang young actor na sikat sa kasalukuyan siyang henerasyon.

Hmm… dahil mga kafatid, noon pa man daw na hindi pa gaanong sikat si guwapong dramatic actor, mahilig na pala ito kay Zsa Zsa Padilla, huh! Hindi po si Zsa Zsa na asawa ni Comedy King Dolphy, ha? I mean, shabu!

Gumagamit nga raw itong si sikat na actor, at masyado nga raw itong lulong. Lalo na ‘pag may taping or out of town show, bago ito isalang ay dapat makagamit muna siya ng shabu.

Hmm… at take note, hindi lang pa siya nag-iisa, dahil pa rin pala si sikat na sexy actress, kasabayan nitong gumagamit ng Zsa Zsa. Naku ha?! Nakakaloka!

Hindi na kailangan ng mga clue dahil given na ito. ‘Di ba bonggacious?! Clue na lang sa sikat na sedxy actress: may kapatid din siyang sexy. O, laban ka? ‘Yun na!


Source: PINOY Parazzi

Wednesday, May 13, 2009

Aktres , laging may dalang alak

OY, TRUE RIN ba ‘to? Na ang isang young actress ay laging may bringlulung alak sa kanyang taping? Nakalagay raw ito sa parang steel na thermos o kaya ay nasa coleman para hindi halatang alak ‘yon.

Aba’y mapagkakamalan mo ngang kape ‘yon o ‘di kaya, malamig na tubig lang, ‘di ba? “Kaya namumula-mula ang pisngi niya, kasi, sinasadya niya ‘yon, dahil ‘yun ang effect sa kanya ‘pag nakakainom siya, eh!”

Me gano’ng factor? ‘Kalokah, huh! Sana naman, hindi ito totoo, dahil kung ito man ay totoo… eh, baka bonggang split ang mamagitan sa kanila ng boyfriend niya, huh!



Source: Ogie Diaz (ArticleDashboard.com)

Monday, May 11, 2009

Dalawang sikat na bagets actor, sa kama ang tuloy!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? I’m sure, maloloka kayo ‘pag nahulaan n’yo ito. Dahil dalawang sikat na bagets actor ang hindi nakuntento sa eksena nila. Nabitin nga raw kaya’t itinuloy sa kama, huh! Kaloka!

May ginagawang movie ang dalawang bagets actor na ito, at may eksena sila sa movie na kangkangan sa kama. Aba, hindi nakuntento ang dalawa! Sabi raw ng isang sikat na bakets actor sa kasama niyang sikat ding bagets actor, na kung puwede nilang ituloy sa kama ang kanilang ginagawa, kung saan walang intrimitidang nanonood, at solong-solo nila.

Noon pa man, napabalita na talaga ang isang sikat na baets actor na kalahi ito ni Eba, at mahilig

lumuhod nang walang belo. Hahaha! Naku ha?! At ang isa namang bagets actor, kahit kanino na lang nali-lingk. Naku, ha?

O, anong ma-sey n’yo sa dalawang ito? Nahulaan n’yo na kung sino sila? ‘Yun na!



Source:
Tita Swarding (Pinoy Parazzi)

Wednesday, May 6, 2009

Kongresista, Lost in Space

Windang ang mga miron pati na rin ang mga kasamahan niyang Kongresista sa ’tila madalas na ‘out of this world’ reactions at comments ng ating bidang kongresista. Kung may lost in space nga raw kasi sa Kamara, malamang, isa siya sa mga mangunguna.

Sa latest chikang nasagap ng ating Chikadorang Mahadera, madalas daw pagtawanan sa Kamara si Rep na lost in space. Para raw kasing wala itong kaalam-alam sa mga pasikot-sikot ng isinasagawang diskusyon at imbestigasyon ng mga kontrobersiyal pa manding isyung pinagdi-diskusyunan nila.

Hirit ng iba, kung kakaririn mo raw ang pagmamasid sa bawat hearing ng Kamara kung saan present siya, tiyak masa-sightsung mo ang mga miron at maging ang mga kasamahan din niyang kongresista na hindi mapigilan ang mapahagikhik o kaya ay tumawa.

Hindi raw naman sila laitero’t laitera. Kaya lang, hindi nila ma-getsung kung bakit laging wala sa konteksto ang mga comment ni Kongresista. Kaya naman, hihirit pa lang daw siya, eh, barado na agad kasi wala namang kwenta at out of context ang sinasabi niya.

Actually, madalas ay isyu ng legalidad ang pinupuntirya niya. Understandable naman ito kasi nga nag-aaral naman siya ng batas. So, dapat sana, swak na ang mga comments niya. Pero sa kung anong ikot ng roleta, sablay pa rin talaga siya.

Hay naku Rep na lost in space, magbago ka na habang bata ka pa. Sayang naman ang mga paborito mong Amerikana kung magiging katawa-tawa ka lang palagi sa mata ng madla at ng Kamara…. May ganung clue?!!


Source: PINOY Parazzi

Friday, May 1, 2009

FEELING SIKAT NA ‘THUNDER’ ACTRESS, MAY SAKIT?!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo. Naku, maloloka kayo. Ito kasing si feeling sikat na actress, akala niya, pagkakaguluhan pa rin siya, huh!

Ang siste ni feeling sikat na actress, kunwari, pupunta siya sa mall dahil may bibilhin. Ngunit ang drama niya, nagtatalukbong ng malaking panyo na akala mo ay kumot. Kaya ang tingin sa kanya ng mga sales lady ng mall, baka may sakit, dahil balot na balot ito, huh!

Bumili raw itong si feeling sikat na actress ng sandals sa mall at nagtanong sa kanya ang isang sales lady kung bakit siya nakatalukbong. Walang kakurap-kurap na sagot ng feeling sikat na actress, “Baka kasi pagkaguluhan ako.” Huh?!

Kaya ang balik na tanong ng sales lady, “Bakit, sino ba kayo?” Aba, ang ginawa ni feeling sikat na actress, tinanggal niya ang nakabalot sa katawan, at sinabing, “Akot ito, kilala mo ako?” Walang nasabi ang sales lady kundi, “Ay si ______ (name ng actress) lang pala! ‘Kala ko kung sino.”

At ni walang lumapit sa kanya, kahit isa, huh! Sabi pa ng mga tao na nandu’n at matanda na pala siya. Akala raw nila, bata pa. Nakakaloka, ‘di ba?

Naku, mahilig mag-inarte ang actress na ito. Feeling niya sikat talaga siya, at gusto niya, pinag-uusapan siya, huh! Gusto n’yo ng clue? Dati siyang child star, huh! ‘Yun na


Source: Tita Swarding (PINOY Parazzi)